e-Health Content for the Community
Ayon sa World Summit on Information Society kailangang magkaroon ng isang pamayanan kung saan ang bawa't isa ay maaring gumawa, makialam, gumamit at magbigay ng dagdag na kaalaman upang magamit ng bawa't isa at ng komunidad ang lahat ng kanilang potensyal sa pag-unlad at magkaroon ng magandang pamumuhay.

Ang Proyektong eKPD (eKnowledge Public Domain Project) ay naglalayong makatulong sa adhikaing ito sa pamamagitan ng pagbuo ng open content o mga impormasyon na makakatulong sa pag-unlad at magagamit ng walang kaukulang kabayaran ng mga komunidad na higit na nangangailangan nito.  Saklaw nito ay ang edukasyon, kalusugan, agrikultura at mga maliliit na negosyo.